BABALA: Ang mga sumusunod ay isinalaysay sa tradisyunal na paraan ng pagsusulat.
Marahil ay maipagpapalagay mo na ang tinutungo ng iyong mga mata ay isang papel at makalimutan mong ikaw ay nasa harapan ng "monitor"...Dahil nais ko lang ipaalala na nasa ika-2008 na siglo na tayo. Sabihin mo mang pareho kaming makata at maraming satsat ni Jose Rizal (magsama kami!) wala akong pakialam sa kung anupaman ang nais mong isipin tungkol sa akin dahil una sa lahat binalaan na kitang huwag itong basahin...At panghuli...dahil ako ang bubuhay sa persona ng isang sulat.kamay, wala nang iba pa!
Isaw. Fishball. Barbeque. Stick. Alin ang naiiba?Hindi kita inuunahan at hinuhusgahan pero marahil ang napili mo na ay ang "stick" Bakit? Ihiniwalay mo ang isa sa iba. Iyon na nga iyon eh.Hindi mo ba naisip na ang naiiba pala ay ang tatlo nang nauna? Ang nais ko lang namang iparating ay iba't-iba ang pananaw ng bawat isa. Gusto mo bang maging isa lang sa kanila o magkaroon ka ng sariling identidad at nang masabi mong hindi ka lang nakikihalubolo sa masa? Hindi masamang magkumpara lalo na kung kailangan ngunit hindi ko naman sinabing kailangang sagutin ang aking katanungan kanina. Hindi kita pinipilit na palitan ang "stick" bilang iyong kasagutan. Tulad nga ng sinabi ko, hindi kita hinuhusgahan.
Kung pagsusulat sa taong 2008 na rin naman ang pinag-uusapan, ilalahad ko na ang aking mga palagay sa mga sikat na manunulat sa ating kapanahunan. Tutal kilala naman na sila at marunong na silang tumanggap ng kritisismo, dadagdag na ako sa mga ito. Patawad sa mga solidong "fans" ni Bob Ong sapagkat "I don't find his works interesting, I find the writer/s more interesting instead". Marahil ay wala lang ako sa "mood" noong binabasa ko ang kanyang "Stainless Longganisa" kaya hindi ako napahanga ng kanyang libro. Ang masaklap pa dun, ito pa lang ang librong isinulat nito na aking unang nabasa pero dahil sa pagbabasa ko nito, may bago akong kaka"curiousan"...kung sino nga ba talaga ang nasa likod ni/na Bob Ong? Mas pinag-isipan ko pa nga ng matagal ang kanyang persona kaysa ang mga isinulat niya. Dahil aminin natin, nasaan ang koneksiyon ng karamihan sa mga ito?
Tunguhin naman natin ang "hollywood". "Fan" ako ni J.K. Rowling at hindi ni Harry Potter. Ang pinagtatakahan ko lang kay Rowling sa kanyang batikang Harry Potter ay kung bakit itinuturing siyang isang "heroic figure". Sa halos lahat ng pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ni Harry sa kanyang buhay na puno ng mahika, hindi mo ba napansin na siya naman ang laging inililigtas ng mga tao sa kanyang paligid at hindi siya ang nagliligtas sa kanila. Paumanhin na rin sa "fans" ni Daniel Radcliffe. Paalala, si Harry Potter ang ginagawan ko ng kritisismo at hindi si Daniel. Sabagay, si Rowling pa rin ang bumuo sa kanyang katauhan pero kahit ganoon, siya pa rin ang idolo ko at hindi si Harry Potter.
Mas interesado kasi ako sa mga hindi napapansin. Sa mga nakakalimutan. Sa mga mismong bumubuhay sa kinahuhumalingan ng mga tao. Aanhin mo ang isaw, fishball at barbeque nang walang "stick". Parang laging may kulang di ba? Paano mabubuo ang libro kung walang manunulat na bubuhay sa mga letrang maaaring mapaloob dito? Aanhin mo ang isang bayaning ni sarili niya ay hindi kayang iligtas at ang makakagawa lamang nito ay ang mismong nagbigay-buhay sa kanya?...Mas interesado kasi ako sa detalye at hindi lamang sa mismong larawan.
Tutal, "ballpen" na rin naman ang ginamit ko sa pagsusulat, pagtuunan na natin ng pansin ang "ballpen" bilang pagpapasalamat dahil natapos ko ang sanaysay na ito sa tulong nito. Mula sa isang nangarap, nangangarap, mangangarap na maging manunulat at ngayon ay sumusulat sa aking sariling paraan nang hindi inaalintana ang mga "grammatical errors" o anupaman, nais kong ipaabot ang aking hamak na pagbabahagi sa kahong ito bilang panimula ng bilog na siklong pagsasalaysay. Ngayon susubukan kong sagutin ang aming sariling katanungan sa mga pahinang ito, "Kailan nga ba nawawalan ng tinta ang isip sa pagsusulat?"...Para sa persona na bumubuhay sa isang sulat.kamay, hindi ito kailanman nauubusan ng tinta...sapagkat una sa lahat, HINDI ITO "BALLPEN"...at kung pagkakaiba na rin naman ang pag-uusapan, ANG UTAK NAHAHASA, ANG "BALLPEN" HINDI!
~sulat.kamay

No comments:
Post a Comment